Ganap na Guro sa Hinaharap
Ang pagiging guro ay isa sa pinakamahalaga at pinagpipitagang propesyon sa ating lipunan. Sinasabing kung wala ang mga guro ay maaaring wala ang iba pang mga propesyon ngayon dahil simula palang sa pagkabata ng isang tao ay dumadaan na siya sa pagkalinga at pagtuturo ng isang guro. Ang pagiging guro ay kawili-wili, masaya, at isang pagkakataon para linangin sa pinakamataas na kasanayan ang bawat mag-aaral mula sa kanyang kritikal na pag-iisip hanggang sa kanyang mga makrong kasanayan. Hindi maikakaila na sa loob ng isang silid-aralan ay mayroong iba’t ibang guro ang masasaksihan at makasasalamuha ang bawat mga mag-aaral. Maaaring iba ang pag-uugali, katauhan, paraan ng pagtuturo at kahit ang kakayahan ng pag-iisip. Maikaklasipika ang mga gurong ito na may mga guro na sobrang talino. Ang gurong ito ay halos alam ang lahat ng bagay sa mundo kahit ang mga kaliit-liitan aralin o konsepto. Kalimitan may mga gurong pumapasok sa silid upang isala...